Tuesday, March 15, 2011

Paano kung

ang tinatahak mong daan ay ang daan na dapat mo lang daanan
na ang landas ng pagpili ay isang palaisipan

na ang araw sa likod mo'y nagpapakita ng anino sa iyong harap
na ang kamalayan ng isang bagay ay isang mapagpanggap

ang intitusyon na alam mo ay isang ehemplo ng kasinungalingan
na ang paniniwala ay isang angkop na bagay upang ikaw ay di magulumihanan

ako'y ikaw na nasa tuwid na landas na baku bako
na ang paa'y lumalakad sa isang kamanghamanghang dako

ang kinagisnan mo na hangarin nagbabadya na maitago
ang takot at ang poot dinudungisan ng lagim na pangako

oo ganito ako tumatahak sa tuwid na daan na baku bako
na ang kapanatagan ng loob ay nakapiring at nakapako

sumusunod tayo sa agos ng takbo ng dugo
sa nakagisnang katotohanan na minulat at inako

sa bawat desisyon na ginagawa sa pang-araw araw na buhay
gumagana ang mapagmalay na pagsuko at paghimlay

ang huwestiyon ng pag-iisip tuluyan na bumabagabag
sapagkat ang sariling desisyon na pumili ay isang kalasag

No comments: